dzme1530.ph

2 coast guard vessels ng Pilipinas, hinarang ng barko ng China malapit sa Ayungin Shoal

Hinarang ng China Coast Guard vessel ang dalawang Philippine Coast Guard vessels malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Sa post sa X ni dating U.S Air Force official at dating Defense Attache Ray Powell, hinarang ng CCG 5203 ang BRP Cabra at BRP Cape Engano habang dumadaan, 14 nautical miles sa silangan ng Ayungin Shoal.

Samantala, anim na Chinese Maritime Militia vessels naman ang malapit na bumubuntot sa PCG vessels.

Sinabi ni Powell na kapwa naunang nag-transmit ang PCG patrol vessels ng kanilang automatic identification signals, 18 nautical miles sa katimugan ng Ayungin Shoal.

Aniya, dahil dito, nag-dispatch ang China ng pito pang militia vessels para dagdagan ang kanilang harang laban sa dalawang barko ng Pilipinas.

About The Author