dzme1530.ph

Suplay ng kuryente sa bansa ngayong summer season, hindi kukulangin —DOE

Nilinaw ng Department of Energy (DOE) na hindi magkukulang ang suplay ng kuryente sa bansa ngayong summer season.

Ayon kay Energy Assistant Secretary Mario Marasigan may posibilidad ng pagnipis ng reserba ng kuryente kung may maitatalang problema sa linya nito lalo ngayong tag-init.

Gayunman wala umano silang inaasahang forced power outage o brownout, pero may pagbabadya ng yellow alert o kulang na reserba ng kuryente sa buwan ng Mayo at Hunyo.

Dagdag pa ng Energy Asec. base sa Green System Luzon, posibleng magkaroon ng yellow alert sa Oktubre hanggang Disyembre sa Visayas tuwing gabi, kung saan mas mataas ang konsumo ng kuryente.

About The Author