Naghahanda na ang ilang ahensiya ng gobyerno sa posibleng pagpasok ng tag-init.
Batay sa pagtataya ng PAGASA inaasahang magsisimula sa Hunyo ang El Niño phenomenon o hindi normal na pag-init ng sea surface temperature sa Central at Eastern Equatorial Pacific Ocean.
Samantala, naghahanda na rin ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at National Power Corporation (NPC) sa posibleng epekto ng El Niño sa lebel ng water dams.
Sinabi ni MWSS Deputy Administrator Jose Dorado, posibleng magsimula sa hunyo ang El Niño pero kung magkakaroon ng mild El Niño posibleng sa katapusan ng taon o unang bahagi ng 2024 umiral ito.
Sa ngayon aniya ay nananatili sa normal na 206.79 meters ang reservoir water level ng Angat Dam mula sa 214 meters na naitala noong Enero.