dzme1530.ph

NegOr Cong. Teves, posibleng masipa sa Kamara

Bibigyan lamang ng limang araw, si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. para magpaliwanag kung bakit hindi pa rin ito umuuwi ng bansa sa kabila ng pag-expire ng kanyang Travel Authority.

Nangyari ito, matapos ang executive meeting ng House Committee on Ethics and Priviledges, sinabi ng Chairperson ng Committee na si COOP-NATCO partylist Rep. Filemon Espares na ngayon araw o bukas ay bibigyan nila ng sulat si Teves para magpaliwanag.

Ayon pa kay Espares, para matapos na ang isyu, nararapat lamang na umuwi na si Teves at personal na makausap si Speaker Martin Romualdez.

Tiniyak naman ng Committee Panel, na bibigyan ng due process si Teves at sapat na oras para sa pagtrato ng kanyang kaso.

About The Author