dzme1530.ph

SC, inatasan ang Comelec at Miru System na magkomento sa petisyon laban sa P17.9-billion contract

Inatasan ng Supreme Court (SC) ang Comelec at South Korean Firm na Miru Systems na magkomento sa petisyon na inihain laban sa 17.9-billion peso contract, para sa procurement ng bagong automated election system (AES) na gagamitin sa 2025 national at local elections.

Sinabi ni SC Spokesperson Camille Ting na binigyan ang mga respondent ng 10-araw, pagkatanggap nila ng resolusyon, para maghain ng kani-kanilang komento.

Sa petisyon na inihain ng dating Kongresista na si Edgar Erice, hiniling nito sa Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction, upang pigilan ang poll body sa pagpapatupad ng En banc minute resolution na nag-award ng proyekto sa Miru.

Hiniling din nito sa kataas-taasang hukuman na ideklarang null and void ang Notice of Award at Contract Agreement sa pagitan ng Comelec at Miru.

About The Author