dzme1530.ph

Mga paraan para maiwasan ang indigestion, alamin!

Ang indigestion ang pangkalahatang tawag sa hindi komportableng pakiramdam sa sikmura.

Ito ay hindi isang sakit ngunit nagpapakita ito ng sintomas tulad ng hindi matunawan, hirap sa pag-dighay, pagkahilo, at pagka-impatso pagkatapos kumain.

Kabilang sa mga dahilan ng pagkakaroon ng indigestion ang hindi magandang lifestyle tulad ng sobrang pagkain at pag-inom ng alak, labis na pag-aalala, paninigarilyo, emotional trauma, at kondisyon gaya ng ulcer o gallstones.

Para maiwasan ang indigestion, kumain ng pakonti-konti ngunit mas madalas, iwasan ang mga “trigger foods” gaya ng maaanghang na pagkain, softdrinks, at iba pa.

Kailangan ding panatilihin ang tamang timbang, mag-ehersisyo ng madalas, suriin ang mga iniinom na gamot, at bawasan ang stress.

About The Author