dzme1530.ph

2 OFWs, sugatan sa malakas na buhos ng ulan sa Hong Kong, ayon sa DMW

Dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong ang nasugatan bunsod ng malakas na buhos ng ulan.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), mahigpit nilang mino-monitor ang kondisyon ng dalawang OFWs sa pamamagitan ng Migrant workers office at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) office sa Hong Kong.

Sa impormasyon mula sa DMW, ang dalawang Pinoy workers ay  mag-asawa at nagta-trabaho para sa isang resort owner sa Sai Kung, new territories.

Kumukuha umano ang mag-asawang Pinoy ng mga litrato at videos nang manalasa ang bagyo sa pasilidad kung saan nagkaroon ng landslide.

Sinabi ng DMW na nagtamo ang misis ng head injuries bagaman nasa stable ng kondisyon habang ang mister ay nagtamo ng leg injuries at kasalukuyang sumasailalim sa operasyon.

About The Author