Nagbabala ang University of the Philippines Marine Science Institute (UPMSI) na posibleng umabot sa Verde Island Passage sa Huwebes, March 16 ang oil spill mula sa lumubog na motor tanker sa Naujan, Oriental Mindoro.
Paliwanag ng mga eksperto, dahil sa humihinang Amihan, ilan sa mga langis ang posibleng dumaloy pa-hilaga sa nasabing isla na makaaapekto sa coastal areas ng Calapan at ilan pang bahagi ng Batangas.
Ang Verde Island Passage ay matatagpuan sa pagitan ng Mindoro at Batangas, na kinilala bilang sentro ng global shore-fish biodiversity.
Nabatid na apektado na rin ng oil spill ang Caluya Island sa Antique at bayan ng Taytay, sa Palawan.