dzme1530.ph

PNP, nangako ng proteksiyon kay Cong. Arnie Teves sa pagbalik nito sa bansa

Siniguro ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na bibigyan nila ng sapat na proteksiyon si Negros Oriental 3rd District Congressman Arnulfo Teves, Jr. pagbalik nito sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, ito ay tiniyak ng PNP Chief for Operations basta maabisuhan lamang sila kung kelan nakatakdang umuwi ang mambabatas.

Hindi pa alam kung kailan uuwi si Teves matapos na mag-expire ang travel authority nito noong March 9 at hindi pa napapalawig hanggang ngayon.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang PNP sa mga malalapit kay Congressman Teves upang alamin ang detalye ng pagbabalik ng mambabatas sa bansa.

About The Author