dzme1530.ph

China tutol sa joint patrol sa WPS, paglalagay ng EDCA sites

Tinututulan ng China ang joint patrol sa West Philippine Sea at ang Expanded United States Access sa Philippine military bases o Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ayon sa Chinese Embassy, ang patuloy na paglatag ng Estados Unidos ng militar at ang paglalagay ng EDCA sites sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas ay pagpapatunay na nais nitong mapanatili ang kontrol, makasariling interest, at ang out-of-the-cold war mentality.

Sinabi ito ng Embahada ng China, matapos ang pahayag ni Ambassador Marykay Carlson patungkol sa EDCA sites at joint patrol ay para sa disaster relief operation at humanitarian efforts na gagawin ng Pilipinas at America sa mga EDCA sites na ilalatag.

Dagdag pa ng Embahada ng China, na kailangang maging maingat ang Pilipinas sa banta ng panganib sa national interest, regional peace at stability.

About The Author