Gaya ng saging, mayroon ding nakamamanghang mga benepisyo ang puso nito.
Ang puso ng saging o banana blossom sa ingles ay may taglay na Vitamins A, B, C, at E, pantothenic acid, fiber, niacin, thiamin, at mga minerals tulad ng protein, calcium, magnesium, phosphorus, manganese, copper, iron, potassium, zinc at carbohydrates.
Mayroon din itong properties, gaya ng Anti-inflammatory, antibacterial, antiviral, antimicrobial, anticancer at antioxidants.
Ang puso ng saging ay may kakayahang mapababa ang lebel ng blood sugar sa katawan, nilalabanan din nito ang Anemia dahil sa taglay nitong fiber na tumutulong sa katawan para makagawa ng sapat na dami ng red bood cells.
Maiiwasan din ang sakit sa puso at pagkakaroon ng cancer sa pamamagitan ng pagkonsumo ng puso ng saging, maliban sa nakakabagal din ito ng pagtanda at mayroon itong kakayahan na labanan ang depresyon, pati na anxiety at bad mood.
Naisasaayos din nito ang menstrual cycle at nakatutulong sa pagpapababa ng timbang.