dzme1530.ph

Pastor Apollo Quiboloy, posibleng kuwestiyunin sa Korte Suprema ang arrest order ng Senado

Posibleng kuwestiyunin ni Pastor Apollo Quiboloy sa Korte Suprema ang inisyung arrest order ng Senado laban sa kanya.

Sinabi ni Atty. Elvis Balayan, isa sa mga abogado ng kontrobersyal na televangelist, na bagaman nirerespeto nila ang desisyon ng Senado sa pag-i-isyu ng arrest order laban sa kanilang kliyente, gagawin naman nila ang lahat ng legal na hakbang upang protektahan ang constitutional rights ni Quiboloy.

Pinuna rin ni Balayan ang pag-akto na tila korte ng Senate Committee on Women na pinamumunuan ni Senador Risa Hontiveros, at pinalalabas na guilty ang leader ng Kingdom of Jesus Christ.

Binigyang diin ng abogado na tanging korte lamang ang maaring mag-deklara kung guilty o inosente si Quiboloy.

About The Author