Naniniwala ang Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) na gumagawa ng paraan ang pamahalaan upang tugunan ang inflation sa bansa.
Matapos ito na maitala ang bahagyang pagbaba ng inflation rate sa 8.6% nitong Pebrero.
Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr. na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga produkto.
Ipinabatid din ni Ortiz-Luis na sang-ayon siya sa pagbibigay ng pamahalaan ng ayuda partikular sa mga pinakamahihirap na pamilya upang matugunan ang inflation.