dzme1530.ph

Mga dahilan para tutulan ang Cha-cha, inilatag ni Sen. Pimentel

Inisa-isa ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang mga dahilan upang hindi nila susuportahan ang Charter change.

Una nang kinumpirma ni Sen. Risa Hontiveros na tututulan ng minorya sa Senado ang Resolution of Both Houses no. 6.

Ayon kay Pimentel, mariin nilang tinututulan ang chacha sa maraming dahilan.

Una, sinabi ni Pimentel na hindi napapanahon ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Ikalawa, hindi aniya malinaw ang nagiging proseso sa pagdinig ng cha-cha sa Senado.

Ikatlo ay wala namang malaking ipagbabago sa substance ng saligang batas sa isinusulong na amyenda at panghuli ay kwestyunable ang motivation o dahilan ng pagsusulong ng RBH6 na hinihinalang reaksyon lamang sa kontrobersyal na People’s Initiative.

About The Author