Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang Agusan del Sur kaninang 11:22 ng umaga.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang episentro ng lindol, dalawang kilometro sa timog-kanluran ng bayan ng Esperanza.
May lalim ang lindol na 27 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity 2 sa Kidapawan City sa Cotabato, at Intensity 1 sa Arakan at Kabacan sa Cotabato.
Samantala, sinabi ng PHIVOLCS na inaasahan nila ang pinsala at aftershocks matapos ang naturang pagyanig. —sa panulat ni Airiam Sancho