Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga employer, trabahador, at iba pang stakeholders na patuloy na magkaisa upang patuloy na makabangon ang labor market ng bansa sa harap ng mga hamon sa ekonomiya.
Sa kanyang mensahe na binasa ni Executive Sec. Lucas Bersamin para sa selebrasyon ng ika-90 Anibersaryo ng Dep’t of Labor and Employment, isinulong ni Marcos ang pagtutulungan para sa patuloy na paglikha ng mga dekalidad na trabaho, na mag-aangat sa kalidad ng buhay at dignidad ng mga manggagawang Pilipino.
Kasabay nito’y pinuri ni Marcos ang DOLE dahil sa matagumpay na pagtataguyod sa karapatan at kapakakan ng mga manggagawa.
Tiniyak din ng Pangulo na nananatiling prayoridad ng administrasyon ang labor protection at kapayapaan sa industriya, tungo sa pag-develop sa buong potensyal ng mga manggagawa para sa pagpapataas ng produksyon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News