dzme1530.ph

Pag-aangkat ng asukal sa susunod na taon, mababawasan, ayon sa D.A

Inaasahan na mababawasan sa 2024 ang pag-aangkat ng asukal dahil sa labis na suplay ngayong taon.

Ito ang inihayag ni Dept. of Agriculture sec. Francisco Tiu Laurel Jr. makaraang magsagawa ng assessment sa sugar stocks kasama ang Sugar Regulatory Administration (SRA).

Subalit, sinabi ni SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta na dapat bawasan ni Laurel ang mga expectation nito dahil iilan lamang sa mga sugar mill sa bansa ang maayos na gumagana.

Mula sa kabuuang 27 sugar mills, lima lamang aniya ang ikinokonsiderang episyente.

Nabatid na tinatayang aabot sa 200,000 metric tons ang sugar imports para sa crop year 2023-2024. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author