dzme1530.ph

VP Sara, inatasan ng Supreme Court na sagutin ang petisyon hinggil sa P125 million na confidential fund ng OVP

Inatasan ng Supreme Court (SC) si Vice President Sara Duterte na sagutin ang petisyon na kumukwestiyon sa ligalidad ng 125 million pesos na confidential fund (CF) ng Office of the Vice President noong 2022.

Sa dalawang pahinang notice na isinapubliko ngayong Lunes, inatasan din ng kataas-taasang hukuman sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman na magkomento sa naturang usapin.

Hindi pa inaaksyunan ng Korte Suprema ang petisyon dahil kailangan muna nitong makuha ang panig ng respondents, na bahagi ng proseso.

10-araw ang ibinigay ng SC sa mga respondents para magsumite ng kani-kanilang komento sa petition for certiorari na inihain ng petitioners sa pangunguna ni dating Comelec Chairman Christian Monsod.

Iginiit din ng petitioners na dapat ibalik ang 125 million pesos na confidential fund sa treasury department. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author