dzme1530.ph

Meralco at Ultra Safe Nuclear Corp., pag-aaralan ang pagtatatag ng Nuclear Energy System sa bansa

Lumagda sa Cooperation Agreement ang Manila Electric Company (Meralco) at Ultra Safe Nuclear Corporation para sa pagsasagawa ng pag-aaral kaugnay sa posibleng pagtatatag ng Nuclear Energy System sa bansa. Ito ay sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa San Francisco sa United States.

Sa ilalim ng partnership agreement, magkakaroon ng pre-feasibility study sa posibleng pagtatayo ng micro-modular reactors sa meralco sites, na nakikitang makapagbibigay ng abot-kaya at maaasahang power access partikular sa mga lugar na hindi naaabot ng kuryente.

Aalamin din ang lawak ng posibleng epekto nito sa kapaligiran, lipunan at ang magiging Capital Expenditure at Operational Costs.

Inilarawan naman ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang mahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng option sa malinis at sustainable energy para sa Pilipinas.

Naka-linya rin umano ito sa commitment ng bansa sa pagpapababa ng Greenhouse Gas Emissions at pagpapalakas ng resilience laban sa climate change.

—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author