dzme1530.ph

Mga pagkaing makapagbibigay ng maayos na tulog, alamin!

May mga pagkain na maaring makatulong upang hindi mahirapang matulog sa gabi.

Isa sa pinakakilalang pagkaing pampatulog ay gatas. Ang iba pang dairy products mula sa gatas, gaya ng keso at yogurt ay epektibo rin.

Ang gatas ay mayroong calcium at mahalagang amino acid na kilala bilang tryptophan. Ito ay nakakatulong sa utak na mag-synthesize ng serotonin at melatonin. Ang serotonin ay may kinalaman sa mood regulation habang ang melatonin ay responsable naman sa cycle ng pagtulog at paggising.

Ang manok o pabo, maging ang mga itlog ay maari ring makatulong sa pagkuha ng mas mahusay na pagtulog.

Gayundin ang saging at iba pang sariwang prutas, gaya ng cherry, kiwi, at avocado na nagpapabuti sa kalidad ng pagtulog.

Nakatutulong din ang pagkain ng mga isda, gaya ng salmon, mackerel (tanigue), tuna, at sardinas na mayaman sa vitamin B6, Vitamin D at Omega-3 fatty acid para magkaroon ng maayos na pahinga.

About The Author