Dumami pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Setyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng ahensya, bahagya itong tumaas sa 4.5% mula sa 4.4% na naitala noong Agosto, subalit mas mababa kumpara sa 5% na naiulat sa kaparehong period noong 2022.
Katumbas ito ng 2.26 million jobless filipinos noong Setyembre na mas mataas kumpara sa 2.21 million na walang trabaho noong Agosto.
Ini-uugnay naman ng PSA ang naitalang unemployment rate sa mababang labor force participation.
Samantala, bahagyang bumaba ang underemployment rate sa 10.7% noong Setyembre mula sa 11.7% noong Agosto. —sa panulat ni Airiam Sancho