dzme1530.ph

Dry run para sa Single Ticketing System, sisimulan sa 7 LGUs sa Abril

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority na magsasagawa sila ng trial run sa Single Ticketing System sa una o ikalawang linggo ng Abril sa ilang local government units.

Sa Press Briefing, sinabi ni MMDA chairman Romando Artes na malapit nang ipatupad ang Single Ticketing System, kaya kailangang magkaroon muna ng dry run upang madagdagan ang public awareness.

Ayon kay Artes, pitong LGUs sa Metro Manila, gaya ng San Juan, Muntinlupa, Quezon City, Valenzuela, Parañaque, Maynila, at Caloocan, ang nagpahayag ng kahandaan sa isasagawang dry run.

Isang buwan na ang nakalipas mula nang I-adopt ng Metro Manila mayors ang bagong Metro Manila Traffic Code na magbibigay daan sa implementasyon ng Single Ticketing System sa National Capital Region.

About The Author