dzme1530.ph

10, sugatan sa sunog sa Apolonio Samson sa Quezon City

Hindi bababa sa 20 kabahayan ang nasunog sa Apolonio Samson, sa Quezon City.

10 katao naman ang bahagyang nasugatan sa naturang insidente.

Halos walang naisalbang gamit ang mga residente dahil mabilis na kumalat ang apoy.

Pansamantala namang nanunuluyan sa covered court ng barangay masambong ang ilan sa mga nasunugan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author