dzme1530.ph

Meralco, nagpahiwatig ng posibleng taas-singil ngayong Nobyembre

Napahiwatig ang Meralco ng posibleng dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre.

Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng kuryente sa electricity spot market kung saan sila kumukuha ng bahagi ng kanilang supply.

Tumaas din aniya ang presyo sa Malampaya Natural Gas kumpara sa nakalipas na quarter.

Sinabi ni Zaldarriaga na inaanunsyo nila ang final rate changes sa susunod na linggo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author