dzme1530.ph

Francisco Tiu Laurel Jr., itinalaga ni PBBM bilang bagong DA Secretary!

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr. bilang bagong kahilim ng Dep’t of Agriculture.

Ito ay kasabay ng pagbaba ng Pangulo sa nasabing posisyon matapos ang mahigit isang taon.

Sa ipinatawag na Press Conference sa Malakanyang ngayong Biyernes ng umaga, inihayag ng Pangulo na naniniwala siya sa kakayanan ni Laurel dahil nauunawaan niyang maigi ang sektor ng agrikultura.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay una nang umugong ang balitang ia-appoint ng Pangulo si Laurel bilang permanenteng DA Secretary. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author