dzme1530.ph

Bilang ng mga kabataang may part-time job, dumarami

Mayorya o 60% ng mga kabataang Pilipino ang may part-time job.

Batay sa pagsusuri ng Agile Data Solutions, mayroong isang part-time job ang mga kababaihan, habang dalawa o higit pa ang mga kalalakihan.

Sinabi ni Jason Gaguan, Chairman at Chief Executive Officer ng naturang market research tech company na dahilan ng lumolobong bilang ng mga naghahanap ng raket o side hustle, partikular sa mga kabataan ang mapataas ang income at maabot ang financial stability.

Karamihan naman sa mga ito ay naghahanap o nagtatrabaho ng part-time roles sa Call Centers, at bilang Virtual Assistants, Service Crew Member, Salesperson, at iba pang tungkulin sa Information Technology. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author