dzme1530.ph

3 patay, 6 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Laguna

Tatlo katao ang nasawi habang anim na iba pa ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Calamba City, sa Laguna, kaninang madaling araw.

Sa report mula sa Police Regional Office 4A, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng tricycle driver at dalawa nitong pasahero.

Ayon sa PRO 4A, binabagtas ng motorsiklo at tricycle ang kalsada sa Barangay Halang patungong Barangay Pansol nang salpukin sila ng kasalubong na pickup truck na umokupa umano sa kanilang lane.

Kabilang sa mga nasugatan ang driver at angkas ng motorsiklo, tatlo pang pasahero ng tricycle, at isang pasahero ng pickup truck.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang driver ng pickup.—sa panulat ni Lea Soriano

About The Author