dzme1530.ph

Pagbibigay ng Special Powers kay PBBM vs. inflation, iginiit ni Salceda

Nanindigan si Albay 2nd District Representative Joey Salceda na ito na ang tamang panahon para bigyan ng “Special Powers” si PBBM upang maibsan ang negatibong epekto ng inflation.

Ayon kay Salceda, ang pagpasa ng House Bill 2227 o ang Bangon Bayan Muli (BBM) Act sa House Committee on Economic Affairs ay magbibigay ng kapangyarihan sa pangulo na tugunan ang problema sa presyo at suplay ng produkto.

Sa briefing kahapon ng DBCC sa kamara, inamin mismo ng economic managers na halos ubos na ang diskarte kung anong “monetary policy” ang gagawin para mapababa ang presyo.

Giit pa ng House Ways and Means Chairman na may “urgency” sa mungkahe niyang special powers dahil “structural” at maliwanag ang mga dahilan ng inflation.

Kabilang umano sa scope ng BBM Act ay ang anti-hoarding powers, pagbibigay insentibo sa produksyon ng “essential” products; kapangyarihan sa loan guarantee ng mga suppliers ng produkto;

Anti-price-gouging powers, transport emergency powers; pag-mobilize sa uniformed personnel upang mapabilis ang infrastructure projects; at pagbuo ng inter-agency working group.

Sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang inflation sa buwan ng Pebrero ay nasa pagitan ng 8.5% hanggang 9.3%.

About The Author