Walang matatanggap na kooperasyon ang International Criminal Court (ICC) sa gobyerno ng Pilipinas para maisakatuparan nito ang planong imbestigasyon sa Drug War na inilunsad ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.
Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas para imbestigahan si Duterte kaugnay sa drug war nito at iginiit na ang pagpupumilit ng ICC ay malinaw na banta sa soberanya ng bansa.
dagdag pa ni Marcos, hindi niya kailangan ang tulong ng ICC dahil nanatiling gumagagana ang systema sa bansa kung saan may gobyerno at hudikatura na umuusig sa mga nagkakasala.
Ang pahayag ni Marcos Jr. ay kasunod ng inihain na resolusyon ni dating Pangulo at House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo kasama ang mga ilang kongresista para ipakita ang “unequivocal defense” kay Duterte.
Tiniyak rin ni marcos na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang drug war na nakatutok sa “prevention at rehabilitation.”