dzme1530.ph

PNP, P460 milyong halaga ng iligal na droga nakumpiska noong Enero

Mahigit P460 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng Philippine National Police sa kanilang mga operasyon sa unang buwan ng 2023.

Ayon sa PNP, nakapagtala sila ng 6,248 na mga naaresto mula sa 4,632 operayon na kanilang inilunsad noong Enero.

Sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na ang centerpiece ng kanilang hakbang ay ang Recovery and Wellness Program na bahagi ng Anti-Illegal Drugs Operations Through Reinforcement Education (ADORE).

Inihayag ni Azurin na ang ADORE ay ang final phase ng endgame strategy ng PNP laban sa drug abuse.

About The Author