Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 199 na mga bagong kaso ng COVID-19 higit doble kumpara sa naitala noong Martes, bumaba naman sa 9,404 ang active cases sa bansa mula sa 9,632.
Batay sa bagong datos ng DOH, umabot na sa 4,073,454 ang nationwide caseload.
Umakyat din sa 3,998,048 ang total recoveries habang nadagdagan ng dalawampu’t tatlo ang bilang ng mga naitalang nasawi kaya umabot na sa 65,802 ang mga nasawi dahil sa sakit.
Samantala, mahigit 613 na mga bagong kaso ng OMICRON COVID-19 Sub-variants na ang naitala sa bansa.
Sa bagong biosurveillance report ng DOH, 252 ang classified bilang BA.2.3.20; 201 ang XBB; 25 ang BA.5; 15 ang XBC; dalawa ang BA.2.75; at 118 ang iba pang Omicron sublineages.
Ayon sa ahensya, sa BA.5 cases, labing walo ang classifed bilang BQ.1.
Ang resulta ng samples na ginawa ng University of the Philippines-Philippine Genome Center ay inilabas noong Enero 28.