dzme1530.ph

PCG, nagdagdag ng Patrol Vessels sa West Philippine Sea

Inanunsyo ng Task Force Pag-asa ng Philippine Coast Guard (PCG) na dinagdagan nila ang bilang ng kanilang patrol vessels sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa PCG, ito ay para tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda, kasunod ng insidente noong Enero 9, kung kailan itinaboy umano ng Chinese Coast Guard ang Filipino Fishing Boat sa Ayungin Shoal.

Inihayag nina Transportation Secretary Jaime Bautista at PCG Commandant, Coast Guard Admiral Artemio Abu na ipagpapatuloy ng PCG ang pagtalima sa rules-based approach sa pagtiyak ng seguridad sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Nangyari ang insidente, sa kabila ng pagkakasundo ng Manila at Beijing na magtatag ng “direct communication line” sa mga kaso ng maritime incident sa WPS.

About The Author