dzme1530.ph

$60 BILYONG DOLYAR NA KITA, TARGET NG ITBPMM SECTOR PAG-SAPIT NG 2028

Target ng Information Technology and Business Process Management o ITBPM sector na makapag-generate ng 60 bilyong dolyar revenues sa pagtatapos ng anim na taong termino ng Marcos Administration.
Sinabi ni IT and Business Process Association of the Philippines o IBPAP Chief Of Policy And Regulatory Affairs Celeste Ilagan, na inaasahan ng sektor na makalilikha ng 1.1 milyong mga bagong trabaho at halos doble ang kanilang annual revenues pagsapit ng 2028.
Ayon kay Ilagan, as of 2022, nakalikha ang industriya ng 1.44 million na fulltime employees.
Nangangahulugan aniya ito na sa kabila ng pandemya ay lumaki ang kanilang industriya at nakapaggenerate ng mas maraming trabaho.
Idinagdag ng ibpap official na sa kasalukuyan ay nakapagtala rin ang ITBPM sector ng 30 billion dollars na revenues.

About The Author