Tiniyak ni BuCor Chief Dir. Gen. Gregorio Catapang Jr., na hindi uubra sa kanya ang labas masok sa loob ng kulungan tulad ng ginawa ng isang preso sa NBI.
Ang pahayag ni Catapang kasabay ng pagtanggap nito sa mga bilanggo ng NBI na ililipat sa New Bilibid Prison ngayong araw.
Nagkakaroon ng turnover ceremony para sa paggamit ng NBI sa Building 14 ng NBP para sa 83 na mga preso ng NBI kasama na dito ang tinaguriang Bilibid 19 na tumestigo laban may Leila de Lima at dating BuCor Gen. Gerald Bantag.
Ayon kay Catapang uukupahin ng NBI ang building 14 ng NBP habang hindi pa natatapos ang itinatayong gusali ng NBI para sa kanilang mga preso kung saan sila din ang magbabantay sa kanilang mga bilanggo.
Paglilinaw ni Catapang sa gagawing paglilipat ng mga preso ng NBI sa NBP tiniyak nito na hindi maapektuhan ang kanilang operasyon dahil malaking bilang na rin ng PDL mula sa NBP ang nalipat sa iba’t-ibang prison at penal farm.
Samantala 10 PDL naman na hindi na nakakalakad ang pinagkalooban ng wheelchair ni Gen. Catapang at 1,400 na hygiene kit., habang ang 15 karagdagang wheelchair ay ipamamahagi naman bukas sa mga PDL na senior citizen. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News