dzme1530.ph

Revenge travelers, walang pakialam sa kontrobersiya ng “Love the Philippines” slogan

Patuloy ang pagdagsa ng revenge travelers sa Pilipinas sa kabila ng kontrobersiya sa bagong tourism slogan ng bansa.

Sinabi ni Fe Abling-Yu, presidente ng Philippine Tour Operators’ Association (PHILTOA), na walang epekto ang kontrobersiya sa bagong “Love the Philippines” tourism campaign ng bansa sa mga foreign tourists, na patuloy lamang sa pagdating, matapos ang tatlong taong lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.

Idinagdag ni Abling-Yu na pagtuloy ang pagiging masigasig ng tour operators upang makahikayat ng mga turista sa Pilipinas, at handa rin naman aniya ang mga foreign tourist na gumastos sa kanilang biyahe.

Kamakailan lamang ay inilunsad ng Department of Tourism ang bagong “Love the Philippines” slogan na agad nakatikim ng batikos makaraang gamitin sa promotional video ng kampanya ang stock footage mula sa iba’t ibang mga bansa. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author