dzme1530.ph

Alamin ang iba’t ibang benepisyo ng pomelo o suha

Ang pomelo o suha ay kabilang sa citrus fruits, gaya ng orange at dalandan.

Maraming bitamina ang suha, tulad ng Vitamin C, Vitamin A, Vitamin B1, Vitamin B2, Calcium at Iron.

Ang kainaman sa suha ay mababa ito sa calories kaya hindi ito nakakataba. Sa bawat 100 grams nito ay mayroon lamang 44 calories, kaya maari itong kainin ng mga mayroong diabetes at overweight.

Gaya ng mansanas, ang suha ay mayroong pectin na nakatutulong sa pagtatanggal ng kolesterol sa katawan. Mainam ito sa para sa mga mayroong sakit sa puso at may bara sa ugat.

Kapag bibili ng suha, piliin ang mabigat, mabango at malinis ang balat. ang mapupulang klase ng suha ay mas masustansya at mas matamis. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author