dzme1530.ph

PBBM, tiwala pa rin kay DOT sec. Frasco sa kabila ng kontrobersiya sa “Love the Philippines” campaign

Nananatili ang tiwala ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Dep’t of Tourism Sec. Christina Frasco.

Ito ay sa kabila ng kontrobersiya sa inilunsad na “Love the Philippines” campaign, kung saan natuklasan ang paggamit ng stock footage mula sa ibang bansa sa isa sa kanilang promotion videos.

Ayon sa Pangulo, nakausap na niya si Frasco at naging mabilis naman umano ito sa pagkilos sa isyu.

Bukod dito, winakasan na rin umano ng kalihim ang mga kinwestyong kontrata.

Kontrolado rin umano ni Frasco ang sitwasyon, at ipinare-review na rin nito ang lahat ng iba pang kontrata ng DOT. –ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author