dzme1530.ph

91% ng mga Pilipino sang-ayon sa boluntaryong pagsusuot ng face mask —SWS survey

Mayorya ng mga Pilipino ang sang-ayon sa boluntaryong pagsusuot ng face mask.

Batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survery na isinagawa noong December 10 hanggang 14, 2022 sa 1,200 respondents, aprubado ng mga Pinoy ang inilabas na Executive Order no.7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumutukoy sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor settings.

Bagama’t 91% ang pabor dito, malaking porsyento pa rin o nasa 54% ng mga Pilipino ang nais magsuot ng face mask kapag lumalabas ng kanilang bahay.

15% naman ang nagsabing minsan na ang gumamit ng face mask, habang 1% ang hindi na nagsusuot nito.

Samantala, 81% o  apat mula sa limang household na may anak na nasa face-to-face classes ang nagsusuot pa rin ng face mask, 5% naman ang nagsabing minsan, at 0.5% ang hindi na gumagamit nito.

About The Author