dzme1530.ph

9 planta ng kuryente, nag-shutdown dahil sa bagyong “Aghon”!

Siyam na planta ng kuryente ang nag-shutdown dahil sa pananalasa ng bagyong “Aghon”.

Ayon sa Presidential Communications Office, ito ay bukod pa sa 12 power plants na nag-shutdown na bago pa man ang bagyo.

Sinabi pa ng Dep’t of Energy na hindi pa rin nakare-rekober ang hydro power plants sa pagbaba ng suplay ng tubig sa harap ng El Niño.

Kaugnay dito, kumikilos na umano ang Task Force on Energy Resiliency upang maibalik na ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Pinayuhan din ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente at samantalahin muna ang malamig na panahon dahil sa pag-uulan.

About The Author