dzme1530.ph

8 co-accused ni Alice Guo, inilipat sa Pasig Jail, ayon sa BJMP

Walong co-accused ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang inilipat sa Pasig City Jail mula sa Tarlac Provincial Jail.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Jayrex Bustinera, kabilang sa mga tinanggap sa Pasig City Jail Male Dormitory sina Walter Wong Long, Shicong Zhang o “Olaf”, huang Yue Hai, at Ma The Pong.

Kasama rin sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) na inilipat ng piitan ay sina Wang Weili, Wuli Dong o “yousuf”, Nong Ding Chang o “Todd”, at Lang Xu Po o “Ah Xun.”

Sinabi ni Bustinera na lahat ng naturang PDLs ay may kasong Qualified Trafficking sa ilalim ng Pasig RTC Branch 166 habang si Walter Wong ay may isa pang kaso sa PASIG RTC Branch 167 kasama ang iba pang co-accused ni Guo.

Nauna nang inilipat noong Sept. 23 sa Pasig City Jail Female Dormitory si Guo mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author