dzme1530.ph

73% ng mga Pinoy, pabor na humarap sa paglilitis ng impeachment si VP Duterte

Loading

3 sa bawat 4 na Pilipino o 73% ang nagnanais na humarap si Vice President Sara Duterte sa paglilitis ng impeachment court.

Yan ang lumabas sa survey ng Tangere na isinagawa mula Feb.10 hanggang 12 na nilahukan ng 2,400 respondents.

Ayon sa survey, 51% ang sumusuporta sa impeachment case, 22% ang undecided, samantalang 27% ang nagsabing tutol sila.

Lumitaw din sa survey na 4 hangang 5 sa bawat sampung 10 rehistradong botante ay hindi boboto sa mga senatorial candidate na sumusuporta sa impeachment ni VP Sara, 25% naman ang nagsabi na hindi nila iboboto ang pro-impeachment candidate, habang ang natitirang porsiyento ay undecided.

About The Author