dzme1530.ph

$6-M kasunduan para sa pagpapaganda ng mga kalsada at pagpapalakas ng disaster response sa BARMM, sinelyuhan ng Pilipinas at Japan!

Sinelyuhan ng Japan at Pilipinas ang kasunduan para sa pagpapaganda ng mga kalsada at pagpapalakas ng disaster response sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ito ay sa Presentation of Agreements kasunod ng bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Japan Prime Minister Fumio Kishida sa Malakanyang.

Ayon sa Pangulo, sa ilalim nito ay magkakaloob ang japan ng ¥957 million o $6 million para sa pagkakaroon ng construction equipment, na gagamitin sa road network improvement at disaster quick response operation sa BARMM.

Sinabi ni Marcos na makatutulong itong ibsan ang pagbaha sa rehiyon na pinalalala ng climate change.

Kinumpirma naman ni Kishida na magkakaloob ang Japan ng heavy equipment na magagamit sa pagtugon sa mga kalamidad, upang maitaguyod ang kapayapaan at pag-unlad ng ekonomiya at lipunan sa Mindanao.

Tiniyak din nito ang pagpapatuloy ng kooperasyon sa Smart Agriculture at Energy Transition. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author