dzme1530.ph

4 IMSI catcher nasabat ng mga otoridad sa ikinasang entrapment operation sa Muntinlupa

Loading

Nasabat ng Philippine National Police- Anti- Cybercrime Group (PNP-ACG) – Cyber Security Unit (CSU) ang apat (4) na international mobile subscriber identity (IMSI) catcher sa naganap na entrapment operation sa Alabang, Muntinlupa City.

Arestado sa naganap na operasyon ang isang 43-anyos na lalaki at isang 32-anyos na babae na kapwa residente sa nasabing lugar.

Nasabat din ng mga otoridad ang 40 piraso ng antenna at apat na pirasong power supply.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Data Privacy Act of 2012 at Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mga suspek.

About The Author