Nakapagtala ng panibagong 2,106 na kaso ng COVID-19 ang bansa.
Batay ito sa latest COVID-19 updates ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes, May 19.
Dahil dito, pumalo na sa 16,577 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nasa 2,033 ang nakarecover na habang wala namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.
Samantala, ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, posibleng umabot sa 2,000 hanggang 2,200 ang maitatalang kaso ng sakit sa bansa ngayong araw, May 20. –sa panulat ni Joana Luna