dzme1530.ph

2024 Paris Games, binasag ang record sa ticket sales

Nakapagtala ang Paris 2024 ng record-high na 12 million tickets para sa Olympics at Paralympics, lagpas sa dating record ng London 2012.

Ayon sa mga organizer, 9.5 million tickets ang naibenta sa Olympics habang 2.5 million para sa Paralympics.

Noong 2012, nai-set ng London Organizers ang record para sa Paralympics sa 2.7 million tickets subalit 8.2 million lamang ang naibenta para sa Olympics.

Samantala, kahapon ay nagtapos na ang Paris 2024 Paralympic Games, kung saan ginanap ang closing ceremony sa Stade de France, sa Saint-Denis.

Mahigit 4,400 athletes mula sa 168 Paralympic delegations ang nakipag-party sa gitna ng buhos ng ulan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author