dzme1530.ph

19 pang Pilipino mula sa Israel, inaasahang pauuwiin sa bansa bukas

Labing siyam pang Pilipino ang inaasahang pauuwiin sa bansa bukas mula sa Israel.

Kasunod ito ng ligtas na pag-uwi sa bansa kahapon ng 16 na Pilipino na kinabibilangan ng 15 caregivers at isa ang hotel worker.

Ang mga dumating na repatriate ay sinalubong ng mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Health (DOH), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Makatatanggap ang mga umuwing OFW ng cash aid na tig-P50,000 mula sa Department of Migrant Workers at OWWA, at pagkakalooban din ng education assistance at livelihood assistance.

Bibigyan din sila ng DOH ng psychosocial services habang ang DSWD ay magbibigay ng livelihood programs at financial assistance na P35,000 sa ilalim ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation Program. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author