dzme1530.ph

19 hours na water interruption, posibleng magpatuloy

Posibleng magpatuloy ang 19 oras na water interruption sa mga customer ng Maynilad sa NCR at Cavite sakaling hindi magdagdag ng alokasyon ng tubig sa Angat Dam.

Nitong Sabado nang maantala ang suplay ng tubig sa Manila, Parañaque, Pasay, Las Piñas, Valenzuela, Caloocan at Malabon. Gayundin sa Bacoor, Kawit, Imus at Noveleta, Cavite.

Ayon kay Jennifer Rufo, Corporate Communications head ng Maynilad Water Services, ang water interruption ay bunsod ng kaunting volume ng raw water sa Novaliches Water Dam.

Binigyang diin naman ni Engr. Zmel Grabillo, Manila Business Area Head ng Maynilad na pinaka-apektado ng water interruption ang mga residente sa matataas na lugar.

Ito aniya’y dahil kapag kulang ang suplay ng tubig, bumababa ang pressure, kung kaya’t unang nakakakuha ang mga nasa mabababang lugar.

Matatandaang inihiling ng water concessionaire sa N.W.R.B ang dagdag alokasyon ng tubig, mula sa 50 cubic meter per sec. ay gawin itong 52 cubic meter per sec.

Humingi naman ng pang-unawa ang Maynilad sa kanilang costumers at sinabing worst case scenario lang ang 19 oras na water interruption.

About The Author