Lumago ng 13.7% ang Bank Lending sa bansa para sa buwan ng Nobyembre 2022, kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.
Sa datos Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas ng 12.4% ang loans na ipinagkaloob sa mga Negosyo dahil sa pagsigla ng mga kumpanyang nasa real estate, manufacturing, financial and insurance, at information and communication.
Samantala, tumaas din ng 24.1% ang Consumer Loans dahil sa mas maraming borrowings sa Credit Cards, Motor Vehicle Purchases, at Salary-based Consumption.
Ayon sa BSP, ang patuloy na paglago ng loans ay makatutulong sa pagsigla ng ekonomiya.
Sa kabila nito, ang 13.7% Growth ay bahagyang mas mababa sa 13.9% na naitala noong Oktubre 2022.