dzme1530.ph

12 mangingisda, nasagip ng PCG makaraang tumirik ang kanilang bangka sa West Philippine Sea

Ligtas na nakabalik sa kanilang mga pamilya ang 12 mangingisda sa Subic, Zambales, makaraang masagip sila ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea.

Nagpa-patrolya ang BRP Cabra ng PCG sa West Philippine Sea nang makatanggap ng distress call mula sa FBCA Nhiwel Jay 2.

Sa pagresponde ng Coast Guard, natuklasan na nasira ang makina ng bangka, kaya hinatak ito pabalik sa dalampasigan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author