dzme1530.ph

112 estudyante sa Laguna, isinugod sa ospital matapos ang surprise fire drill

Mahigit 100 estudyante ang isinugod sa ospital sa kasagsagan ng surprise fire drill sa isang paaralan sa Cabuyao City, Laguna.

Ayon kay sabi Abinal Jr., Head ng City Disaster Risk Reduction and Management (CDRRMO), nasa 112 mag-aaral ang dinala sa ospital matapos mahimatay dahil sa gutom at dehydration.

Paliwanag niya, nagsagawa ang Gulod National High School – Mamatid Extension ng fire drill, alinsunod sa Department of Education Order no. 53 series 2022 o Mandatory Unannounced Earthquake and Fire Drills in Schools.

Subalit, hindi aniya nakipag-ugnayan ang paaralan sa City Government, CDRRMO, at sa Bureau of Fire Protection (BFP) kaugnay sa aktibidad na isinagawa mula 12:30 ng tanghali hanggang alas-2 ng hapon kahapon kung saan umaabot sa 36°C hanggang 42 °C ang heat index.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang naturang paaralan hinggil sa naturang insidente.

 

About The Author